Francisco Lozada Padua
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: November 27, 2018
  • Time of Incident: 12:05 am
  • City of Incident: Lumban
  • Province of Incident: Laguna
  • Killed in police operation
Source(s)

Patay ang apat na hinihinalang drug pushers sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan ng Laguna.
Ayon kay Laguna Police Provincial Director, Senior Supt. Eleazar Matta, isinagawa ang operasyon mula hatinggabi ng Martes.
Sa Biñan, patay ang hindi pa nakikilalang lalaki nang ito ay manlaban sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation sa barangay Canlalay.
Nagtungo ang mga otoridad sa bahay ng suspek at nakipagtransaksyon ang isang police asset pero nakatunog ito at bumunot ng baril.
Sa bayan naman ng Lumban, patay ang suspek na si Francisco Padua alyas Kid, 45 anyos sa shootout na naganap sa Barangay Balimbingan.
Si Padua ay kasama sa drugs watchlist ng pulisya.
Sa bayan naman ng Kalayaan, patay ang naman ang isang alyas Mike matapos manlaban sa pulis na nagsagawa ng buy bust operation laban sa kaniya.
Pinaputukan ng suspek si PO1 Mark Antony Espiritu nang mahalatang ito ay pulis.
Samantala, sa Cavinti, Laguna, isang drug suspect na kinilalang si “Edwin” ang nasawi din sa ikinasang operasyon.
Nakuha kay Edwin ang limang sachet ng shabu at 38 caliber na baril.