Fernan Mactal
  • Sex: Male
Incident Details
  • Killed in police operation in public
  • Date of Incident: December 17, 2018
  • Time of Incident: 4:15 am
  • Location of Incident: Cabanatuan City, Nueva Ecija
Source(s)

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang dalawang hinihinalang tulak ng droga matapos na makipagbarilan sa pulisya sa magkahiwalay na buy-bust operation sa bayan ng Cabiao at lungsod na ito kamakalawa at kahapon ng umaga.
Sa ulat ng Cabanatuan Police, ang napaslang sa buy-bust operation ay si Fernan Mactal, nasa hustong gulang, ng Purok Matatag, Brgy. Pambuan, Gapan City habang nakatakas ang isang kasama nito sakay ng isang motorsiklo. Samantala sa Cabiao, napatay din ang drug suspect na si Manolo Sison habang ang kasama nitong si alyas “Toto” ay nakatakas lulan din ng Bajaj motorcycle. Ayon sa Nueva Ecija Police, alas-11:45 ng gabi kamakalawa nang isagawa ang buy-bust laban kay Sison sa Brgy. San Fernando Sur, Cabiao, NE at dakong alas-4:15 ng madaling araw kahapon naman nang isagawa ang kahalintulad na operasyon laban kay Mactal sa St. Joseph St., Brgy. Zulieta, Cabanatuan City. Matapos na magkabilihan ng shabu ang mga suspek at nagpanggap na buyer na pulis, kapwa nakatunog umano ang mga suspek na pulis ang kanilang katransaksyon kaya’t nauwi ito sa barilan.