Erminda Amante
  • Sex: Female
  • Age: 65
  • Occupation: carinderia owner
Incident Details
  • Date of Incident: December 1, 2017
  • Time of Incident: 8:30 pm
  • City of Incident: San Pablo City
  • Province of Incident: Laguna
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

Patay ang isang lola matapos pagbabarilin ng mga salarin na nakamotorsiklo sa Barangay San Juan, San Pablo City, Laguna.

Kinilala ang biktima na si Erminda Amante, 65-anyos, may-ari ng isang carinderia.

Ayon kay Senior Insp. Julius Almeda ng San Pablo City police, nagpanggap umanong bumili ng ulam ang salarin pasado alas-8:30 ng umaga Biyernes.

“Nung magbabayad na, sa halip na pera, baril ang inano niya,” aniya.

Tinitingnan ngayong anggulo ng pulisya ang iligal na droga bilang motibo sa pamamaslang.

Lumalabas sa record na may nakabinbin pang kaso ang biktima sa ilegal na droga. Kabilang umano ang biktima sa drug watch list ng San Pablo City police.

“May dismissed case ng estafa at slight physical injuries. Itong illegal drugs on-going trial pa,” dagdag ni Almeda.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang pamamaril para matukoy ang mga hindi pa kilalang salarin.