Ericson de Leon
  • Sex: Male
  • Age: 33
Incident Details
  • Date of Incident: September 10, 2018
  • City of Incident: San Rafael
  • Province of Incident: Bulacan
  • Killed in police operation
Source(s)

BULACAN, Philippines — Dalawang umano’y “tulak” ng droga ang nasawi habang pitong katao ang naaresto kabilang ang isang menor-de-edad sa isinagawang magkakasunod na drug bust operation ng pulisya sa iba’t ibang bayan dito mula Linggo hanggang Lunes ng madaling araw.
Nagtamo ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na nagresulta ng agarang kamatayan ng mga suspek na kinila¬lang sina John Lester De Guzman alyas John, 20, PUJ driver at Ericson De Leon, 33, binata at kapwa residente ng Brgy. Basuit, bayan ng San Ildefonso.
Ang mga naaresto namang suspek ay sina Jeric Vergara, Richard Capalad, Renato Nieto, Estrelita Nieto, Reggie, Arjay Parulan, Gerald Del Rosario at isang 13-anyos.
Sa ulat ng pulisya sa Camp Alejo Santos, dakong alas-12:15 ng madaling araw, nakipagtransaksyon ang isang poseur buyer na pulis kay alyas John at napagkasunduang magkikita sa isang lugar sa Brgy. Coral, San Rafael at nang dumating sa pinag-usapang lugar ang suspek kasama ang isa pang lala¬king kasabwat nito lulan ng motorsiklo ay agad na nagpalitan ng shabu at marked money ngunit nakahalata ang kasabwat na naging dahilan upang bumunot ng kanilang armas ngunit naging maagap ang pulisya sanhi ng barilan at ikinabulagta ng dalawa.
Bago ang insidente, nag¬sagawa ng mga operas¬yon ang iba’t ibang yunit ng pulisya sa mga bayan ng Pulilan, Bustos, San Jose del Monte City, at mga kagawad ng 2nd Provincial Mobile Force Company, Provincial Police Drug Enforcement Unit na nagresulta sa pagkakaaresto ng pitong katao.
Narekober sa mga ope¬rasyon ang isang .45 kalibre, isang .38 revolver, iba’t ibang basyo ng bala, isang motorsiklong Suzuki Raider na walang plaka, 33 pakete ng shabu at P3,000 marked money.