Epefanio Inso
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: November 7, 2018
  • Time of Incident: 9:00 am
  • City of Incident: Pagadian City
  • Province of Incident: Zamboanga del Sur
  • Killed in police operation in public
Source(s)

Pagadian City – Patay ang isang armadong lalaki matapos maka-engkuwentro ng mga pulis sa Barangay San Jose sa lungsod ng Pagadian alas 9:00 kaninang umaga.
Ayon sa mga pulis, nakatanggap sila ng impormasyon na may titirahin ang suspek na si Epefanio Inso alyas Ryan Inso, kaya agad nilang minanmanan ang naturang lalaki.
Pero pagadating sa harap ng isang lumang bodega upang sitahin ang suspek, imbes na sumuko sa pulisya ay bumunot ito ng baril at pinaputukan ang mga otoridad kaya at agad silang gumanti ng putok na nauwi sa engkwentro.
Tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ng suspek.
Narekober mula sa napatay ang dalawang caliber .45 na baril, mga granada, bala at samut-saring anting-anting.
Isa sa tinitingnang ngayon ng mga pulis ay miyembro ng isang gun-for-hire group si Inso na kumikilos sa Zamboanga Peninsula.