Enrique Briones
  • Sex: Male
  • Age: 35
Incident Details
  • Date of Incident: December 6, 2018
  • Time of Incident: 9:10 pm
  • City of Incident: Tarlac City
  • Province of Incident: Tarlac
  • Killed in police operation in public
Source(s)

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga , Philippines — Patay ang isang “drug peddler” matapos manlaban sa mga ope­ratiba ng Tarlac City Police sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Binauganan, ng nasabing lungsod noong Huwebes ng gabi. Sa ulat sa tanggapan ni Police Regional Director, Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, kinilala ang napatay na suspek na nasa drug watchlist na si Enrique Briones alias Toink 35, binata, ng Brgy. San Carangian. Dakong alas-9:10 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation laban kay Briones at isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer ang umiskor sa kanya ng shabu.

Nang magkaabutan ng droga at marked money, nakahalata umano ang suspek hanggang sa paputukan ang pulis subalit sumablay ito sanhi ng shootout hanggang sa mabaril ang suspek na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan. Nasamsam sa lugar ang isang plastic heat sealed sachet ng shabu, isang cal. 38 baril at P1,000 marked money.

Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/probinsiya/2018/12/08/1875210/drug-peddler-utas-sa-buy-bust#Drk6LGK7LPeomEDt.99