Edgardo Veneracion
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: November 28, 2018
  • City of Incident: Cabanatuan City
  • Province of Incident: Nueva Ecija
  • Killed in police operation in public
Source(s)

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija  , Philippines  —  Dalawang hinihinalang drug pusher ang napatay matapos umanong manlaban sa ikinasang buy-bust ope­ration ng pulisya noong Martes ng gabi sa St. Joseph St., Barangay Zulueta, ng lungsod.

Kinilala ni P/Supt. Criselda De Guzman, acting chief of police, ang nasawing mga suspek na sina Edgardo Veneracion alyas Ed, ng Villaluz Subdivision, Brgy. Mabini Homesite; at isang alyas Erwin.

Sa ulat, alas-11:00 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation sa koordinasyon sa PDEA at isang pulis ang nagpanggap na buyer ng droga kay Veneracion sa binibiling P500 halaga ng shabu.