Dominador Lao Jaime
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: October 29, 2018
  • City of Incident: Lucena City
  • Province of Incident: Quezon
  • Killed in police operation in public
Source(s)

NAGA CITY-Patay ang isang drug personality habang arestado ang kasama nito sa buy bust operation sa Barangay 8, Lucena City.

Kinilala ang namatay na si Dominador Jaime, at ang arestadong si Michael Dela Cruz.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo-Naga, nabatid na binunot ni Jaime ang kaniyang calibre 45 na baril at tinangka nitong barilin ang mga operatiba, ng mapansin nito na pulis ang katransaksyon matapos na iabot niya ang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu.

READ: DoH, nais mabakunahan ng HPV vaccines ang lahat mga estudyante ng public schools sa Metro Manila
Kaagad naman na gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta upang tamaan ng bala si Jaime at kaagad na bawian ng buhay.

Samantala, nananatili sa kustodiya ng mga otoridad si Dela Cruz habang nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 dahil sa narekober na dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu at drug paraphernalia.