Debbie Mercado
  • Sex: Female
  • Age: 36
Incident Details
  • Date of Incident: December 27, 2017
  • Time of Incident: 1:00 am
  • City of Incident: Manila
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed by unknown assailants at home
Source(s)

Isang babae na gumagamit umano ng droga ang nasawi matapos siyang barilin sa ulo habang natutulog sa kanilang bahay nitong Miyerkoles sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ni Bam-Alegre sa GMA News “Unang Balita,” kinilala ang biktima na si Debbie Mercado, 36-anyos, nakatira sa Pacheco Street, Barangay 36, na nasawi pasado 1 a.m. ng madaling-araw.

Ayon sa kaniyang ina na si Patrica Mercado, nakarinig siya ng isang putok ng baril at hindi na niya nakita pa ang salarin.

Aminado si Aling Patricia na may problema sa droga ang anak, pero kaniyang hinaing, hindi raw tama ang pagpatay kay Debbie.

“Alam kong gumagamit siya. Kung sino ka man na gumawa nito sa anak ko sana naman makonsensya siya,” ayon sa ina ng biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng Manila Police District sa krimen. —Jamil Joseph Santos/LBG, GMA News