Datu Manong Sambuto Macaalay
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: March 16, 2018
  • Time of Incident: 4:00 am
  • City of Incident: Kabacan
  • Province of Incident: South Cotabato
  • Killed in police operation at home
Source(s)

MANILA, Philippines — Apat katao na may kaugnayan sa illegal drugs ang nasawi sa magkakahiwalay na insidente ng pamamaril.

Sa Quezon City, napatay ng mga otoridad ang umano’y drug pusher na si Abdul Asis Daimon, alyas Rudy habang nasugatan naman ang isang Xander Gal Dela Cruz, 18 at naaresto ang dalawang galamay na sina Michael Mahinay, 37 at Rizen Oclas Sobrepena, 23 nang manlaban sa isinagawang anti-drugs operation kamakalawa ng alas-11:30 ng gabi sa Lower Jasmin St., Brgy. Payatas.

Narekober sa mga suspek ang apat na kalibre 38 revolver, isang shotgun, 15 sachets ng droga at iba’t ibang drug paraphernalias.

Sa Kabacan, North Cotabato napatay din ng mga otoridad kamakalawa ng madaling araw ang dalawang drug suspect na sina Ronnie Macaalay Acoy, nasa hustong gulang at Datu Manong Sambuto Macaalay.

Nabatid na dakong alas-4:00 ng madaling araw nang puntahan ng mga pulis na bitbit ang apat na search warrant ang bahay ng dalawang suspek na nakatunog kaya’t agad na pinagbabaril ng mga ito ang mga una.

Gumanti ng putok ang mga pulis at napatay ang dalawang nabanggit na suspek.

Malapitan na binaril sa ulo ng apat na gunman ang isang lalaki na nasa drug list ng barangay habang nagbibisekleta kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Kinilala ang biktima na si Mamerto Velasquez, alyas “Elmer”, 43, may-asawa, pedicab driver, at naninirahan sa No. 101-62 Acero Street, Brgy. Tugatog, Malabon City.

Nabatid na dakong alas-3:45 ng hapon ay nagbibisekleta ang biktima nang harangin ng apat na lalaki sa kanto ng Plata at Bronze Street sa Brgy. Tugatog, at saka malapitang binaril sa ulo. — Rhoderick Beñez, Danilo Garcia