Danilo Taguinod
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: July 11, 2018
  • City of Incident: Bacoor City
  • Province of Incident: Cavite
  • Killed in police operation
Source(s)

MANILA, Philippines — Isang drug suspect ang napatay ng mga otoridad matapos umanong manlaban habang 29 katao ang dinakip matapos na salakayin ang isang bahay na sinasabing ginagawang drug den sa Brgy. Kaingen sa Bacoor, sa lalawigan ng Cavite, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang tumimbuwang na suspek na si Danilo Taguinod, nasa hustong gulang, nasa talaan ng drug watch list ng pulisya, at residente ng nasabing lugar.
Swak naman sa selda ang 29 katao na pinagdadakip ng mga otoridad matapos na maaktuhan sa kanilang pot session sa nasabing lugar.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:30 ng tanghali nang isagawa ang pagsalakay sa naturang bahay kung saan talamak at lantaran ang bentahan ng droga gayundin ang ‘pagbatak’ ng mga suspek.
Nang dadakipin na ang mga suspek ay dito na nanlaban si Taguinod kung saan ay nakipaghabulan at nakipagbarilan ito sa mga pulis dahilan upang siya’y mapatay.
Narekober dito ang nasa P.5-milyong halaga ng shabu, mga drug paraphernalia’s, at dalawang uri ng kalibreng baril.