Crisolito Unito
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: March 10, 2018
  • City of Incident: Lapu-Lapu City
  • Province of Incident: Cebu
  • Killed in police operation in public
Source(s)

CEBU CITY – Patay ang pinaniniwalaang miyembro ng Parojinog Drug Group sa isinagawang joint operation ng Lapu-Lapu City Police Office at Police Regional Office-9 sa Barangay Bangkal, Lapu-Lapu City.

Ang subject ng operasyon ay kinilalang si Crisolito Unito, No. 6 most wanted person ng PRO-9 at high value target ng Ozamiz City Police Office.

Ihahain sana ng mga otoridad ang warrant of arrest laban sa subject ngunit nanlaban daw ito at nakipagbarilan sa mga pulis.

Napag-alamang ang subject ay mayroong tatlong warrant of arrest sa kasong murder, at dalawang counts ng kasong robbery sa Zamboangga del Sur Regional Trial Court.

Ayon kay S/Supt. Limuel Obon, hepe ng Lapu-Lapu City Police Office, kasapi si Unito ng Dragon Group na isang crime syndicate sa Ozamiz City sa ilalim ng isang Manuel Francisco alyas “Maning Lapad”

Ang naturang grupo ay sinasabing nauugnay din sa Parojinog Group.