Crisanto Pineda
  • Sex: Male
  • Age: 37
  • Occupation: inmate
Incident Details
  • Date of Incident: November 25, 2018
  • City of Incident: Manila
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed in police operation
Source(s)

Manila, Philippines – Isa na namang inmate ang nabawas sa kulungan ng MPD-PS 1 nang makaranas ito ng paninikip ng dibdib na kanyang ikinamatay.
Nakilala ang preso na si Crisanto Pineda, 37-anyos, residente ng Tondo, Maynila.
Batay sa record, si Pineda ay nakulong noong Nobyembre 10 taong kasalukuyan dahil sa iligal na droga.
Nabatid na napansin umano ng kapwa preso ni Pineda na nahihirapan itong huminga dahil sa paninikip ng kanyang dibdib kaya agad nitong ipinagbigay alam sa duty jailer upang madala ito sa Tondo Medical Center ngunit hindi na ito naisalba pa ng mga doctor.