Chrstian Dalupan
  • Sex: Male
  • Age: 39
Incident Details
  • Date of Incident: November 5, 2018
  • City of Incident: Pandi
  • Province of Incident: Bulacan
  • Killed in police operation
Source(s)

MANILA, Philippines — Patay ang apat na pinaghihinalaang notoryus na drug pushers nang mauwi sa shootout ang magkakahiwalay na drug buy bust operation sa Malolos City, Bulacan at Lucena City, Quezon kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni Sr. Supt. Chito Bersaluna, Provincial Director ng Bulacan Police, dakong alas-11:35 ng gabi nang magsagawa ang mga anti-drug operatives ng buy-bust operation sa Brgy. Sto Cristo, San Jose del Monte City at dakong alas -8:35 naman ng gabi sa Brgy. Malibong Matanda, Pandi, Bulacan na kung saan ay napatay sina Joseph Estrera alyas Betong at isang alyas Enteng matapos na kumasa sa mga operatiba.
Sa bayan ng Pandi ay napatay ang isa pang drug suspect na si Christian Dalupan, 39 nang ito ay manlaban sa ka-deal na pulis.
Nakumpiska sa operasyon ang 21 piraso ng plastic sachet ng shabu, apat na cal 38 Armscor revolver, limang bala ng cal. 38, pitong cartridge ng cal 38, tatlong cartridge ng 9 MM, isang cal 9 MM, mga bala ng cal 9 MM, isang Rusi motorcycle at buy bust money.
Dakong alas-8:50 ng gabi nang mapatay sa buy bust operation sa Brgy. Dalahican, Lucena City ang drug pusher na si Ramil Romero, 49.