Christian Padilla
  • Sex: Male
  • Age: 25
  • Occupation: construction worker
Incident Details
  • Date of Incident: November 14, 2018
  • City of Incident: Valenzuela City
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed in police operation at home
Source(s)

Patay ang isang tulak umano ng shabu at apat naman ang naaresto sa sa buy-bust operation sa Valenzuela City.
Sa ulat ng “Unang Balita” nitong Huwebes, nauwi sa engkuwentro ang drug raid sa Barangay Malanday noong Miyerkoles ng gabi dahil nanlaban ang prime suspek na si Christian Padilla. Naisugod pa umano sa ospital ngunit namatay din ito.
Pahayag ni Senior Superintendent David Poklay ng Valenzuela Police, “Nakahalata itong target natin, nagkahabulan at nagtago pa siya sa mga waterlily habang dun sa buy-bust operation nagkaroon na ng putukan.”
Narekober mula sa suspek ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at baril. Bagamat aminado ang mga kaanak na dating gumagamit ng shabu si Christian, nagbagong-buhay na raw ito.
“Sana nakuntento na sila para nilang ginawang hayop yung kapatid ko. Hindi man lang nila naisip na dapat ikinulong na lang po mas maganda po nakulong na lang,” pahayag ni Rona Padilla, kapatid ng napatay na suspek.
Ngunit sinabi naman ni Supt. Poklay, “Si christian Padilla ay medyo notorious ito. Meron siyang warrant for frustrated homicide and then previously arrested for attempted robbery.
Sa apat na naaresto, isa ang kapatid ni Christian na kinialalang si Jonathan at isang Amado Candelaria na kapwa nahulihan umano ng shabu. At si Jaime Javier at Jordan Giron ay naaktuhan umanong bumabatak.
Mariin namang itinanggi ng mga suspek ang paratang ng mga pulis.