Christian Hernandez
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: November 27, 2018
  • City of Incident: Tanauan City
  • Province of Incident: Batangas
  • Killed in police operation
Source(s)

MANILA, Philippines — Pitong pinaghihinalaang mga notoryus na ‘tulak’ ng droga ang napatay ng mga otoridad matapos kumasa sa magkakahiwalay na drug operation ng mga pulis sa lalawigan ng Laguna at Batangas, kamakalawa ng gabi hanggang nitong Martes ng madaling araw.
Sa ulat ni Laguna Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Eleazar Matta, anim na mga drug pushers ang napatay sa kanilang lalawigan sa loob lamang ng apat na oras na anti-drug operation.
Ayon kay Matta, dakong alas-10:45 ng gabi kama¬kalawa hanggang alas-3:15 ng madaling araw kahapon, magkakasunod na napaslang ang mga kumasang suspek na kinilalang sina alyas ‘Mike’; alyas ‘Edwin’; Francisco Padua alyas ‘Kid’; at isa pang ‘di nakikilalang suspek na napatay sa operasyon sa Biñan City.
Samantalang dalawa pang drug pushers ang napatay sa Brgy. Sto. Niño, sa lungsod din ng Biñan City bandang alas-3:15 naman ng madaling araw. Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa mga ito.
Iniulat naman ng Batangas Police, ang pagkakapatay ng isa pang drug pusher na si Christian Hernandez sa Brgy. Poblacion 7, Tanauan City dakong alas-12:30 ng madaling araw kahapon. Si Hernandez ay isang bagong sibol na drug personality.
Nakumpiska sa operasyon ang baril na ginamit ng suspek at ilang sachet ng droga.