Cesar Arive Jr.
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: October 12, 2018
  • Time of Incident: 4:50 am
  • City of Incident: Quezon City
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed in police operation in public
Source(s)

MANILA, Philippines — Isang sinasabing notor­yus na holdaper at ‘tulak’ din umano ng ilegal na droga ang nasawi makaraang manlaban sa mga awtoridad sa ikinasang buy- bust operation sa Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang nasawing suspect na si Cesar Arive Jr., alyas Lupin, ng San Martin Dulo, Villareal St., Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Si Lupin ay napatay ng mga tauhan ng Special Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4 dakong alas-4:50 ng madaling araw.

Ayon kay P/Senior Insp. Dennis Francisco, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil pagtutulak ng droga ng suspek at pagiging talamak umanong holdper kaya agad na nagkasa ng buy- bust operation.

Sa kasagsagan ng ope­ration ay nakahalata umano ang suspek na pulis ang kanyang ka-transaksiyon kaya bumunot ito ng baril at pinaputukan ang pulis at dahil nakasuot ng bullet proof ay hindi hindi tinablan kaya gumanti ng putok na nagresulta sa pagkamatay ng una.

Nakuha sa suspek ang isang slingbag na naglalaman ng shabu at marijuana na nakalagay sa plastic sachet. Nakuha rin ang isang kalibre 38 na ginamit nito para paputukan ang pulis.

Ayon kay Station 4 Commander Supt. Rossel Cejas, nasa drug watchlist ng Brgy. Gulod at notorius na robbery snatcher si Lupin sa area ng Novaliches.