Bryan Aprosta
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: September 13, 2018
  • City of Incident: Davao City
  • Province of Incident: Davao del Sur
  • Killed in police operation
Source(s)

DAVAO CITY – Patay ang isang hinihinalang tulak sa buy-bust operation sa Barrio Puwak, Bunawan, Davao City nitong Huwebes.
Kinilala ang suspek na si Bryan Aprosta na nakuhanan ng kalibre .38 na baril at isang sachet ng umano’y shabu.
Ayon kay Chief Insp. Reuben Libera, hepe ng Sasa Police Station, nagpaputok umano ang suspek matapos nitong mahalata na pulis ang kaniyang katransaksiyon.
Aniya, napilitang magpaputok ang mga pulis na naging dahilan sa pagkamatay ni Aprosta.
Hindi na umabot ng buhay ang suspek nang dalhin sa ospital. – ulat ni Chrislen Bulosan, ABS-CBN News