Brianson B. Esgra
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: November 3, 2017
  • Time of Incident: 8:45 pm
  • City of Incident: Taguig City
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang lalaki na umano’y pawang sangkot sa droga sa magkakahiwalay na pamamaril ng mga ‘di kilalang salarin sa Taguig City kamakalawa.

Sanhi ng ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril, dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Michael Mesa, 24 at Brianson Esgra, nasa hustong gulang.

Sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), ala-1:55 ng hapon nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspect ang biktimang si Mesa sa Viscara St., Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City. Sa rekord ng pulisya, minsan na aniyang nailagak sa drug rehabilitation center si Mesa.

Samantala, ala-8:45 ng gabi nang pagbabarilin si Esgra sa Block 15, Lot 1, Herbs Extension, Brgy. New Lower Bicutan ng naturang siyudad na nagresulta ng agarang kamatayan nito.

Sa record ng Taguig City Police, nasangkot umano sa transaksiyon ng droga si Esgra.