Blaster Batula
  • Sex: Male
  • Age: 27
Incident Details
  • Date of Incident: September 1, 2017
  • Time of Incident: 2:00 am
  • City of Incident: Taguig City
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

Dalawang lalaki na umano’y sangkot sa ilegal na droga ang binaril at pinatay ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Taguig City, iniulat kahapon.

Dead on the spot sina Blaster Batula y Apacible, alyas “Ompong”, 27, ng TUP Compound, Western Bicutan ng nasabing lungsod; at Jobert Abalos y Natato, alyas “Mike”, 29, ng nabanggit na lugar, sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Kasalukuyan pa ring inaalam ng Taguig City Police ang pagkakakilanlan ng mga salarin na sakay sa puting van na walang plaka.

Sa ulat na natanggap ng Southern Police District-Public Information Office (SPD-PIO), dakong 2:00 ng madaling araw nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril ang mga residente sa panulukan ng Bayani Road at C5 Service Road, Western Bicutan, Taguig City.

Nagpapatrulya ang mga pulis sa Bayani Road, malapit sa isang convenience store, nang lapitan sila ng isang concerned citizen at iniulat ang narinig na mga putok ng baril sa naturang lugar.

Agad pinuntuhan ng awtoridad ang lugar at dito natagpuang naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay ang dalawang biktima.

Kapwa umano sangkot sa ilegal na droga ang mga biktima at kabilang sa drug watch list ng pulisya. (Bella Gamotea)