Bernard Bautista
  • Sex: Male
  • Age: 59
Incident Details
  • Date of Incident: December 17, 2018
  • City of Incident: Malabon City
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed in police operation in public
Source(s)

Patay sa buy bust operation ng Philippine National Police (PNP) sa Malabon ang isang lalake na hinihinalang illegal na nagbebenta ng baril.

Ayon sa Northern Police District, sadyang naglunsad sila ng buy bust sa Barangay Pangulo para arestuhin si Bernard Bautista.

Gayunman, natunugan di umano ng suspek na pulis ang kanyang katransaksyon kaya’t agad itong nagpaputok ng kanyang baril na nauwi sa kanyang kamatayan.

Agad namang nasawi ang isang hinihinalang drug pusher matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Canlalay Biñan City sa Laguna.

Kinilala ni Laguna Police Director Senior Supt. Eleazar Matta ang napatay na suspek na si Adan Abarkis na di umano’y kasama sa watch list ng mga drug personalities ng pulisya.

Nakuha sa suspek ang isang kalibre .38 baril at apat na sachet ng hinihinalang shabu.