Baby Earl Rallos
  • Sex: Male
  • Occupation: PDEA assistant chief for operations
Incident Details
  • Killed by unknown assailants
  • Date of Incident: July 27, 2018
  • Location of Incident: Cebu City, Cebu
Source(s)

Narekober ng pulisya sa sasakyan ng pinaslang na Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) official sa Cebu ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu.
Biyernes nang pagbabarilin ng “riding-in-tandem” si PDEA assistant chief for operations Baby Earl Rallos sa Barangay Capitol Site, Cebu City.
Nang siyasatin ng mga pulis ang sasakyan ni Rallos, nakita nila sa glove compartment ang tatlong pakete ng umano’y droga na iba iba ang laki.
Isasailalim pa ito sa laboratory test upang matiyak na shabu nga ang mga narekober.
Ayon sa hepe ng Fuente Police na si Chief Inspector Maria Theresa Macatangay, maaaring may kinalaman sa trabaho o sa droga ang motibo sa pagpatay sa PDEA official.
“His job as an enforcement officer of PDEA is one. On the other hand, [we will also look into] the items believed to be shabu obtained in the vehicle he was driving,” ani Macatangay.
Hindi naman makapagkomento pa ang Police Regional Office 7 dahil kailangan muna nilang imbestigahan kung bakit may dalang droga umano ang biktima.
Tumangging magbigay ng pahayag ang pamilya ni Rallos ukol sa insidente.
Bukod sa hinihinalang shabu, narekober din sa sasakyan ni Rallos ang 3 baril at cellphone.
Base sa CCTV, mayroon na umanong dalawang persons of interest sa krimen, ani Macatangay. —Ulat ni RC Dalagui de Vela, ABS-CBN News