Arnold Dela Paz
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: December 14, 2018
  • City of Incident: Silang
  • Province of Incident: Cavite
  • Killed in police operation in public
Source(s)

SILANG, Cavite – Patay ang isang itinuturong tulak ng droga matapos umano manlaban sa mga pulis na nakatransaksyon niya sa isang buy-bust operation dito sa bayan, Biyernes.

Aarestuhin na sana ng mga undercover na pulis ang suspek na si Arnold Dela Paz matapos nitong iabot ang isang sachet ng shabu sa mga operatiba ngunit bumunot umano siya ng baril, sabi ni Chief Insp. Resty Soriano, hepe ng Silang police.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, si Dela Paz ay konektado sa mga drug dealer sa Dasmariñas.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung sino ang mga parokyano ng naturang grupo.