Alvin Vergara
  • Sex: Male
  • Age: 30
Incident Details
  • Date of Incident: September 25, 2018
  • City of Incident: Lucena City
  • Province of Incident: Quezon
  • Killed in police operation
Source(s)

LUCENA CITY , Philippines — Bulagta ang isang Tokhang surrenderee makaraang umano’y makipagbarilan sa mga operatiba ng Lucena City Police Drug Enforcement Unit (LCDEU) habang isinasagawa ang anti-drug operation sa isang barangay sa lungsod kamakawala.
Sa ulat ni P/Supt. Romulo Albacea, chief of police dito, nakilala ang napaslang na si Alvin Vergara, 30, may live-in partner ng Purok Camia, Brgy. 10.
Ayon kay Albacea, dakong alas-11:30 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba na pinamumunuan ni C/Insp. Jose Danilo Llave ang buy-bust operation laban sa suspek subalit nang iabot na nito ang isang plastic sachet ay nakahalatang pulis ang katransaksyon kung kaya bumunot ng kalibre 38 at pinaputukan si PO3 Pedro Wagan na hindi tinamaan. Sa puntong iyon, gumanti ang back-up na si PO3 Christian Magillano at napuruhan ang suspek.
Nakuha ng SOCO team sa bulsa ni Vergara ang ilang plastic sachet ng shabu, P500 marked money at mga drug paraphernalia.