Alvin Pangan
  • Sex: Male
  • Age: 36
Incident Details
  • Date of Incident: October 27, 2018
  • Time of Incident: 6:30 pm
  • City of Incident: Valenzuela City
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed in police operation at home
Source(s)

Manila, Philippines – Patay ang isang hinihinalang drug pusher matapos makipagbarilan sa mga pulis, samantalang arestado ang isang 39-anyos na lalaki sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela police chief Sr. Supt. David Nicolas Poklay ang nasawing suspek na si Alvin Pangan, 36-anyos, na kabilang umano sa barangay at police drug watch list.

Ayon kay Sr. Supt. Poklay, alas-6:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 4 at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni Chief Insp. Jowilouie Bilario kontra kay Pangan sa loob ng kanilang bahay sa 2956 A. De Castro St. Brgy. Malinta.

Matapos iabot ni Pangan ang isang sachet ng shabu sa police na nagpanggap na poseur buyer kapalit ng P500 marked money, agad nagbigay ng signal ang pulis sa kanyang mga kasamahan.

Nakatunog si Pangan kaya bumunot ito ng baril at pinaputukan ang mga operatiba na naging dahilan upang mauwi sa palitan ng mga putok hanggang sa tamaan sa katawan ang suspek na mabilis isinugod sa Valenzuela Medical Center subalit, hindi na ito umabot ng buhay.

Narekober ng pulisya sa crime scene ang isang cal. 38 revolver na kargado ng 2 fired bullets at 3 bala habang nakuha naman sa nasawi ang mareked money, apat na plastic sachet na naglalaman ng hindi pa mabatid na halaga ng shabu at mga drug paraphernalia.

Samantala, isa pang tulak ng ipinagbabawal na droga ang naaresto ng mga awtoridad sa nasabi ring lungsod makaraang magkamaling magbenta ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap na buyer.

Si Joel Apuyan, 37 taong gulang, ay nadakip dakong 8:30 ng gabi sa Lotus St. Purok 4 Barangay Mapulang Lupa matapos iabot ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap na buyer.

Si Apuyan ay kabilang sa drug watch list ng pulisya at matagal ng minamanmanan ng mga awtoridad dahil sa kaniyang iligal na gawain./Rene Manahan