Alvin Evora
  • Sex: Male
  • Age: 29
Incident Details
  • Date of Incident: December 14, 2018
  • Time of Incident: 5:00 pm
  • City of Incident: Lucena City
  • Province of Incident: Quezon
  • Killed in police operation in public
Source(s)

LUCENA CITY, Philippines — Patay ang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga makaraang kumasa sa mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) habang isinasagawa ang Oplan Salikop sa Purok San Lorenzo, Barangya Ibabang Dupay kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Reydante Ariza, chief of police dito, ang napaslang na si Alvin Evora, 29, may-live-in partner at residente ng nabanggit na lugar.

Sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon ay nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad kaugnay ng ipinatutupad na Oplan Salikop sa Barangay Ibabang Dupay laban sa mga most wanted person at mga drug personality.

Nang mabilhan umano ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ang suspek at nang aarestuhin na ay pumalag saka bumunot ng kalibre 38 revolver at nagpaputok gayunman ay napuruhang mamatay ng gantihan ng mga awtoridad.

Itinanggi naman ng mga kaanak ng napaslang na tulak ang suspek at wala rin umano siyang baril at nangangalakal lamang.

Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/probinsiya/2018/12/16/1877375/tulak-kumasa-sa-parak-dedo#DPuLBj9WItJY1cLT.99