Alvi Navarro
  • Sex: Male
  • Age: 34
Incident Details
  • Date of Incident: March 22, 2018
  • City of Incident: Urdaneta City
  • Province of Incident: Pangasinan
  • Killed in police operation in public
Source(s)

URDANETA CITY, Pangasinan – Patay ang dalawang lalaki nang maka-engkuwentro ang mga pulis sa Barangay Nancamaliran West dito Huwebes ng madaling araw.

Sa CCTV footage sa barangay, makikitang may mga pulis na nakaposte sa gilid ng kalsada habang nagsasagawa ng Oplan Sita.

Biglang naalerto ang tropa at hinabol ang dumaang motorsiklo na may sakay na dalawang lalaki.

Ayon sa pulisya, hindi huminto ang motorsiklo nang parahin at nagpaputok pa ng baril.

Matapos ang halos 30 minutong habulan, muling nagkapalitan ng putok ang mga pulis at ang dalawang lalaki sa isang bakanteng lote sa Barangay Cabaruan.

Patay ang dalawang lalaking kinilalang sina Alvi Navarro, 34, tubong Santa Barbara, at si Jesus Sibuma, 30, taga bayan ng Laoac.

Nakuha mula sa dalawa ang isang kalibre .45 at kalibre .38 na baril at apat na sachet ng hinihinalang shabu.

“Hindi natin inaalis na sa drugs. Lalo’t may na-recover tayong drugs at armado pa. Dating drug surrenderee na rin ‘yung isa,” ani Senior Insp. Rollyfer Capoquian, officer-in-charge sa Urdaneta City police station.

Wala pang kumikilalang kamag-anak sa dalawa. Inaalam pa rin ng pulisya kung may kinabibilangan silang grupo na gun for hire na maiuugnay sa mga insidente ng pamamaril sa siyudad.