Alfred Morte
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: June 13, 2018
  • City of Incident: Meycauayan City
  • Province of Incident: Bulacan
  • Killed in police operation in public
Source(s)

Dalawa ang Patay na hinihinalang drug suspects sa magdamag na operasyon ng mga pulis-Bulacan laban sa iligal na droga.

Sa ulat ng “Unang Balita” nitong Huwebes, kinilala ang isang napatay na umano’y drug pusher na si Joseph Gallardo, nang manglaban ito sa operasyon sa Tuklas Cemetery sa Barangay Mabolo sa lungsod ng Malolos kagabi.

Nagawa pa nitong makipagsuntukan sa mga pulis bago pa ito mabaril at mapatay, pahayag ni Heryl Bruno, chief of police ng Bulacan. Kabilang umano si Gallardo sa kilabot na robbery-holdup Yamson Group.

Narekober mula kay Gallardo ang isang cal -.22, 10 sachet ng shabu, at 32 sachet ng marijuana.

Samantala, sa Barangay Bayugo, sa bayan ng Meycauayan, Bulacan, napatay naman kagabi ang dati nang drug surrenderer. Kinilala ang suspek na si Alfred Morte.

Ayon sa mga pulis, nagpatuloy pa rin sa kaniyang bisyo ang suspek hanggang sa matiyempuhan siya ng mga operatiba. Narekober umano mula kay Morte ang isang cal -.22 na baril at limang sachet ng hinihinalang shabu.

Tumangging humarap sa camera ang mga kaanak ni Morte, pero sinabi nilang gumagamit pa ito ng droga ngunit itinanggi nilang may baril ito. Wala nga umano silang narinig na putok at nagulat na lamang sila ng malamang napatay ito ng mga pulis.

Sa lungsod naman ng Caloocan sa Metro Manila, patay umano sa buy-bust operation madaling-araw nitong Huwebes ang isang drug suspek na kinilalang si Dave Valerio.

Bukod sa pagigi umanong drug suspek at kaniyang pangalan, walang naibigay na detalye ang mga pulis-Caloocan tungkol kay Valerio. —LBG, GMA News