Alexander Trinidad
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: December 15, 2018
  • Time of Incident: 1:35 am
  • City of Incident: San Jose del Monte City
  • Province of Incident: Bulacan
  • Killed in police operation in public
Source(s)

MAYNILA – Patay ang dalawang hinihinalang tulak ng droga matapos mauwi sa engkuwentro ang buy-bust operation sa San Jose del Monte, Bulacan, madaling araw ng Sabado.

Kinilala ang napatay na mga suspek na sina alyas Alexander, itinuturing na No. 2 drug personality ng Barangay Anti-Drug Abuse Council sa bayan, at si alyas Bay.

Ayon sa paunang ulat ng San Jose del Monte Police, ikinasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ang operasyon sa Barangay San Pedro.

Isang police ang nagpanggap na bibili ng P500 halaga ng hinihinalang shabu mula kay alyas Alexander. Matapos ang transaksyon ay nakahalata umano ang kasamahan nito na pulis ang kanilang katransaksiyon kaya’t pinaputukan umano ng dalawang suspek ang mga operatiba.

Napilitang gantihan ng putok ng mga pulis ang dalawa na nagresulta sa kanilang pagkamatay.

Dalawang baril ang nakita sa crime scene. May mga sachet din ng hinihinalang shabu at mga gamit na may kinalaman sa droga na nakuha sa sling bag ng suspek.