Alberto Neneng

- Age: 64
Incident Details
- Killed by unknown assailants
- Date of Incident: May 20, 2021
- Location of Incident: Manila, Metro Manila
Source(s)
Dead on the spot ang isang motoristang senior citizen nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Tondo Huwebes ng gabi.
Kinilala ang biktimang si Alberto Neneng, 64. Kuha sa CCTV ng Barangay 207 na nagmamaneho ng motorsiklo ang biktima sa Solis Street nang dikitan ng riding-in-tandem at pinagbabaril.
Angkas pa ng biktima ang kaniyang asawa na nagtamo ng mga galos sa binti dahil sa pagkakatumba sa motorsiklo.
Ikinagulat ng pamilya ang pamamaril lalo’t wala silang alam na nakaalitan ng bitkima. Pero ayon sa pulisya, kasama siya sa drugs watchlist.
Tatlong basyo ng kalibre 45 baril ang nakuha sa crime scene.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.