John Patrick Marcelo

Also known as
Jaypee
Age
24
Sex
Male
Date
October 17, 2016, 10:20 PM
Place
Pasig City, Metro Manila (in public)
How they died
Killed by unknown assailants

Magkahawak pa ang kamay ng magkasinta­han nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikila­lang lalaki na nakasuot ng bonnet at magka-angkas sa isang motorsiklo, na nagresulta sa pagkamatay ng la­laki at kritikal naman ang kanyang nobya sa Pasig City kamakalawa ng gabi.

Namatay noong din sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si John Patrick Marcelo, makaraang magtamo tatlong tama ng hindi mabatid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang patuloy naman nilalapatan ng lunas sa Rizal Medical Center ang nobya nitong si Juvilyn Mupan.