Vincent Ceballos

- Sex: Male
- Occupation: jobless
Incident Details
- Killed in police operation
- Date of Incident: November 24, 2018
- Location of Incident: Talisay City, Cebu
Source(s)
- https://news.abs-cbn.com/news/11/25/18/3-umanoy-tulak-patay-nang-manlaban-sa-cebu
- https://www.sunstar.com.ph/article/1775670
TALISAY CITY, Cebu—Patay ang tatlong umano’y tulak ng droga matapos umanong manlaban sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Maghaway sa lungsod na ito Sabado ng hapon.
Kinilala ang mga napatay na sina Susanao Labrador alyas “Sano,” Vincent Ceballos at Warlito Tecson.
Ayun sa hepe ng Talisay City Police Station na si Superintendent Marlo Conag, ilang araw na rin nilang sinusubaybayan ang mga suspek lalo’t kabilang sila sa pangalawang pinakamalaking supplier ng droga sa Talisay City.
Pasado alas-3 ng hapon ikinasa ang joint buy bust operation ng Talisay City PNP, Regional Special Operations Group (RSOG) 7 at Provincial Public Safety Company (PPSC) 7 ngunit natiktikan umano ng grupo na mga pulis ang katransaksyon at bigla na lang nagpaputok ng baril.
Dahil dito, napilitan ang mga pulis na magpaputok na siyang dahilan ng pagkamatay ng tatlo.
Nakatakas naman sa kasagsagan ng operasyon ang dalawa pang kasamahan ng mga suspek na sina Ariel Olivar alyas “Ladoy” na umano’y lider ng grupo at si Jackson Segundino na hitman naman ng grupo.
Giit naman ng pamilya ng mga napatay, walang buy-bust operation na nangyari.
Kuwento ng pamilya Labrador, pinick-up lang ng mga pulis ang kanilang ama na naka-upo umano sa basketball court at dinala sa isang madilim na lugar saka binaril.
Kuwento naman ng pamangkin ni Ceballos na nanunuod lang ng TV ang kanilang tiyuhin nang dumating ang mga pulis. Sapilitan silang pinalabas at narinig pa raw nilang nagmamakaawa ang kanilang tiyuhin na huwag itong barilin ngunit nakarinig na lang sila ng sunod-sunod na putok ng baril.
Isang tanod ng Barangay Maghaway si Labrador samantalang pintor naman si Tecson at wala namang trabaho si Ceballos.
Paliwanag naman ng pulisya, lehitimo ang kanilang operasyon at handa silang sagutin ang alegasyon ng mga kaanak sa korte.