John Simon Arguelles
  • Sex: Male
Incident Details
  • Killed in police operation in public
  • Date of Incident: August 24, 2018
  • Time of Incident: 12:00 pm
  • Location of Incident: Atok, Benguet
Source(s)

Patay ang isang hinihinalang tulak ng droga matapos umanong manlaban sa mga pulis sa bayan ng Atok, Benguet nitong Biyernes ng tanghali.

Timbog ang suspek na si John Simon Arguelles, mula sa Quezon City, sa isang checkpoint sa Tuludan Junction, Atok.

“Hinabol ng mga pulis natin, and then pinaputukan po yung pulis natin kaya wala pong magawa yung pulis natin, kaya pinaputukan po siya,” ani Radino Belly, chief of investigation ng Benguet Provincial Police.

Ikinasa raw nila ang operasyon base sa isang tip na may bentahan ng ilegal na drogang naganap sa bahagi ng Benguet.

Nasundan daw nila ang suspek na bumaba sa bahagi ng Buguias at nagpalipat-lipat ng sasakyan bago tuluyang mahuli sa checkpoint.

Dalawang tama ng bala sa dibdib at tiyan ang tinamo ng suspek na may dalang calibre .38 na baril.

Narekober din mula sa kaniyang dalang bag and isang kilong brick ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga umano ng P120,000, isang plastic bag na may lamang tuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P30,000, isang sachet ng hinihinalang shabu at cash na P2,300.

Ayon sa pulisya, mahigpit ang kanilang pagmomonitor sa mga kalsada sa Benguet.

“Ginagamit kasi itong lugar natin na transhipment point ng marijuana galing sa ibang mga lugar dito sa Cordillera. Ginagamit nila ang tourism, hindi po sila pupunta bilang turista yun pala magtatransact ng marijuana operation,” ani Lyndon Mencio, director ng Benguet Provincial Police.

Mula Enero ngayong taon, 24 na indibidwal na ang naaresto ng Benguet Police sa kanilang mga operasyon kontra ilegal na droga.

Ito ang kauna-unahang beses na may napatay sila sa operasyon matapos umanong manlaban ang suspek.