Joey Ranes
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: October 23, 2018
  • Time of Incident: 6:26 am
  • City of Incident: Polomolok
  • Province of Incident: South Cotabato
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

NORTH COTABATO , Philippines — Bumulagta ang isang empleyado ng DOLE Philippines na sinasabing nasa listahan ng drug watchlist ni Pangulong Duterte matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem sa panibagong pamamaril sa national highway ng Brgy. Pagalungan, Polomolok, South Cotabato noong Martes.

Kinilala ang biktima na si Joey Ranes, residente ng Sitio Azucena, Brgy. Poblacion ng nasabing bayan.

Sa ulat kay P/Supt. Jose Marie Simangan, chief of police ng Polomolok Municipal Police Station, dakong alas-6:26 ng umaga habang nakasakay umano si Ranes sa kanyang motorsiklo papunta sa trabaho sa pineapple plantation ng DOLE Phil. nang abangan ng dalawang hindi nakikilalang lalaki na aramado sa lugar at pinagbabaril.

–– ADVERTISEMENT ––

Ayon kay Simangan, si Ranes ay nasa listahan ng mga drug personalities sa bayan at nasa level 2 drug watchlist.