Jester Veloso Robles
  • Sex: Male
  • Age: 28
Incident Details
  • Killed in police operation at home
  • Date of Incident: October 6, 2018
  • Location of Incident: Antipolo City, Rizal
Source(s)

Napatay ang isa umanong notoryus na tulak ng droga at carnapper nang makaengkuwentro ang mga pulis sa Antipolo City, Rizal hapon ng Sabado.
Kinilala ng mga pulis ang suspek bilang si Jester Veloso Robles o alyas “Dagul,” 28 anyos, na nanlaban umano nang aarestuhin sana siya ng mga awtoridad sa isang operasyon sa Barangay Inarawan.
Nasagip din ng mga pulis sa operasyon ang siyam na menor de edad na kasabwat umano ni Robles sa paggawa ng mga krimen.
Nahuli pa ng mga pulis ang mga menor de edad na nagda-drug session o gumagamit ng droga sa loob ng bahay ng suspek.
Inamin ng mga bata na tumutulong sila kay Robles kapalit ang shabu.
“‘Yong mga nahuli natin ay minors. Ito ay nagsi-signify na ginagamit niya dahil may mga bangag pa na bata na nahuli natin,” sabi ni Senior Superintendent Lou Evangelista, hepe ng Rizal police.
Ikinasa ang operasyon laban kay Robles matapos siyang ituro bilang lider ng dalawang suspek na nahuli ng mga pulis noong Biyernes dahil sa pagnanakaw sa Marcos Highway.
Ayon naman kay Superintendent Villaflor Bannawagan, hepe ng Antipolo police, suspek din si Robles sa insidente ng “basag-kotse” kung saan nabiktima ang aktres na si Patricia Javier sa Antipolo noong Hulyo.
“Under investigation din siya dahil sa basag-kotse incident ni Patricia Javier,” ani Bannawagan.
“May mga active na kasama pa yan. May mga listahan kami,” dagdag ni Bannawagan.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang ilang sachet ng shabu, drug paraphernalia, isang baril, mga helmet at dalawang nakaw na motorsiklo.
Ibinigay naman sa City Social Welfare and Development Office ang mga nasagip na bata.