Jeffrey Orbispo

- Sex: Male
- Occupation: member of an illegal drugs group
Incident Details
- Killed in police operation in public
- Date of Incident: October 10, 2018
- Time of Incident: 12:30 am
- Location of Incident: Puerto Princesa City, Palawan
Source(s)
Patay ang isang lalaki sa drug buy bust operation ng pulisya sa Paduga Road, Barangay Sta. Monica madaling araw ng Miyerkules matapos umanong manlaban ito.
Kinilala ni Chief Insp. Mark Allen Palacio, hepe ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) Station 1, ang napatay na suspek na si Jeffrey Orbispo, alyas Diva, na residente ng bayan ng Quezon.
Sabi ni Palacio, nagkaroon ng bilihan ng hinihinalang shabu sa pagitan ni Orbispo at ng kanilang asset pero bandang 12:30 ng madaling araw nakahalata ito at bigla na lamang nagpaputok.
“Nang magkaabutan na sila, lalabas na sana ang tropa nating nakatago para arestuhin na ang suspek, but suddenly dumukot ito ng baril at pinaputukan ang ating asset,” kuwento ni Palacio.
Gumanti naman diumano ang grupo ng mga pulis dahil nalagay na sa alanganin ang kasamahan kaya’t dalawang tama ng baril ang tinamo ni Orbispo sa may kanang kili-kili.
“We tried to call the ambulance or Kilos Agad Action Center (KAAC) para agapan sana, pero late na at declared ito na dead on arrival [sa ospital],” pahayag pa nito.
Sabi ni Palacio, organisado ang galawan ng grupong kinaaniban ni Orbispo at kabilang sa mga kasama nito sina Norman Arias na nahuli sa Libis Road, Barangay San Pedro kamakailan lang at si Christopher Sandoval na nahuli naman sa Barangay San Jose noong Martes.
Nakuha mula kay Orbispo ang isang pakete ng pinaghihinalaang shabu at walong gramo ng isa pang pakete sa kanyang bulsa. Nakuha rin ang .38 kalibre ng baril na gamit nito.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may namatay na suspek sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod.
Ayon kay Palacio, patuloy silang magsasagawa ng mga anti-illegal drugs operation. Makakabuti aniya kung titigil na ang mga pusher sa iligal na gawaing ito.