Jason Cadayday

- Sex: Male
Incident Details
- Killed in police operation in public
- Date of Incident: July 14, 2018
- Location of Incident: Davao City, Davao del Sur
Source(s)
- http://news.abs-cbn.com/news/07/15/18/hinihinalang-tulak-ng-droga-patay-sa-buy-bust-sa-davao
- https://www.pressreader.com/philippines/sunstar-davao/20180716/281582356403674
DAVAO CITY – Patay ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang barilin ng mga operatiba sa buy-bust operation sa isang maliit na hotel sa lungsod na ito nitong Sabado ng gabi.
Ayon kay Chief Insp Aqquimedes Wesley, hepe ng isang estasyon ng pulis sa siyudad, nanlaban umano ang suspek na si Jason Cadayday nang tangkain nila itong arestuhin.
Una aniyang nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na naka-check-in sa loob ng inn ang suspek at umano’y naghihintay ng mga kustomer.
Nakabili ang operatiba na nagpanggap na buyer ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P500.
“Kilala ito siyang supplier sa Marilog area, at paminsan-minsan na itong bumaba dito sa Calinan. Downliner ito ng ibang mga nahuli at namatay na na kilalang drug seller,” ayon kay Wesley.
Narekober sa crime scene ang isang kalibre .38 revolver at mga basyo ng bala.