Gabriel Carreon

- Sex: Male
- Age: 46
Incident Details
- Killed by unknown assailants
- Date of Incident: October 10, 2018
- Location of Incident: Koronadal City, South Cotabato
Source(s)
- http://www.bomboradyo.com/2-katao-patay-sa-pamamaril-sa-lungsod-ng-koronadal/
- https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/probinsiya/2018/10/12/1859445/2-dedbol-sa-pamamaril
KORONADAL CITY – Patay ang dalawang katao sa magkahiwalay na pamamaril ng mga pinaniniwalaang riding-in-tandem sa lungsod ng Koronadal.
Napag-alaman na unang nangyari ang pamamaril sa Prk. Malipayon Brgy. Topland ng lungsod kung saan sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Barangay Captain Angelica Bermil, kinilala ang biktimang si Gabriel “Jojo” Carreon, 46.
Nakaupo lamang umano ang biktima sa kanyang wheelchair nang lapitan ng pinaniniwalaang riding-in-tandem at pinagbabaril kung saan nagtamo ito tama ng bala sa kanyang ulo at iba pang bahagi ng kanyang katawan na nagresulta sa agarang kamatayan nito.
Napag-alaman na bagong laya lamang ang biktima matapos maaresto sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga nitong nakaraang taon.
Samantala, sa isa pang insidente ng pamamaril sa Lower Osmeña St., Barangay Zone 1, patay din ang isang Edwin Torio, 51, may-ari ng isang motorshop na isa ring mekaniko.
Ayon sa mga residenteng nakatira malapit sa pinangyarihan ng krimen, ginulantang na lamang sila ng sunod-sunod na putok ng baril at ilang minuto pa ay natagpuang nakahandusay at duguan ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo na nagresulta sa kamatayan nito.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa sunod-sunod na pamamaril na nagdulot ng pagka-alarma sa mga residente.