Eric/Erick Canicon

- Sex: Male
- Occupation: ice cream vendor
Incident Details
- Killed in police operation in public
- Date of Incident: October 5, 2017
- Time of Incident: 4:35 am
- Location of Incident: Malolos City, Bulacan
Source(s)
- http://news.abs-cbn.com/news/10/05/17/pinapatay-nang-walang-kalaban-laban-magkasintahan-idinawit-sa-droga-pinagbabaril
- https://www.philstar.com/nation/2017/10/05/1745862/7-drug-suspects-3-others-kailled
Nasawi ang apat na idinadawit sa droga sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Marikina at operasyon ng pulisya sa Bulacan.
Alas-9 ng gabi nitong Miyerkoles, Oktubre 4, nang pasukin ng isang grupong nakamotorsiklo at bonnet ang bahay ng mag-live-in partner sa Barangay Fortune sa Marikina.
Natutulog sa ikalawang palapag sina Dante Aston at Cherry Mansan nang pagbabarilin sila ng mga hindi pa nakikilalang salarin.
Parehong nasa “drugs watchlist” ang mga biktima.
Ayon sa isang kaanak, dating gumagamit ng ilegal na droga si Aston pero nagbago na raw.
“Akala ko napapanood ko lang sa TV. ‘Yon pala mangyayari sa amin … hindi nila binigyan ng pagkakataong magbagong buhay ‘yong isang tao,” ani Susan Ong, tiyahin ni Mansan.
“Pinagpapatay nila nang walang kalaban-laban tapos sasabihin nila lumaban kaya nila pinatay,” ani Ong.
Patuloy na inaalam ng pulis ang motibo ng krimen.
Drug ops sa Bulacan
Samantala, dalawa ang patay sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Malolos, Bulacan nitong Huwebes. Oktubre 5.
Unang naka-engkuwentro ng mga pulis ang isa umanong alyas “Eric” matapos makipagbarilan, alas-4 y medya ng madaling araw sa Barangay Pinagbakahan.
Madalas umanong nagpapanggap si Eric bilang tindero ng ice cream kaya maaaring naitatago nito ang mga pakete ng shabu sa apa o panukli.
Nagtangka raw siyang tumakas gamit ang kaniyang tricycle subalit nabaril siya ng isang undercover na pulis.
Sumpak naman daw ang ginamit ni Virgilio Adobas o alyas “Ver” sa panlalaban sa pulis nang hulihin siya sa operasyon sa Barangay Mojon.
Parehong na-“Tokhang” noon ang mga napatay subalit itinuloy pa rin umano nila ang pagtutulak ng droga.
Iginiit ng pulisya na hindi nila titigilang habulin ang mga tulak gaya umano ng mga nasawi sa operasyon.
Bahagi ang mga operasyon sa Malolos sa malawakang operasyong ikinasa ng mga pulis sa buong lalawigan.
Nasa 57 ang kabuuang bilang ng mga inaresto sa province-wide na operasyon.
Dating kapitan, binaril
Bandang alas-3 ng madaling araw naman nitong Huwebes, natagpuang patay ang 64 anyos na si Bernildo Ocampo sa Barangay Daanghari sa Navotas.
Angkas ng motorsiklo si Ocampo nang barilin ng salaring sakay rin daw ng motorsiklo.
Ayon sa mga residente, nakaligtas ang rider na kasama ni Ocampo na si Pompy Macario at dinala sa Tondo General Hospital.
Hindi pa rin natutukoy ng pulisya ang motibo.
Hinala ng pamilya ni Ocampo, na dating kapitan ng Barangay San Roque, politika ang motibo sa pagpatay.
— Ulat ni Kristine Sabillo, ABS-CBN News