Armando Santiago Jr.

- Sex: Male
- Age: 51
Incident Details
- Killed in police operation at home
- Date of Incident: February 6, 2018
- Time of Incident: 12:20 pm
- Location of Incident: Bocaue, Bulacan
Source(s)
PATAY ang isang notoryus na “tulak” ng iligal na droga habang 4 ang arestado sa magkahiwalay ng drug bust operation sa Brgy. Batia sa Bocaue at Brgy. Tiaong sa bayan ng Guiguinto, Martes ng gabi.
Sa ulat ni P/Supt. Jowen Dela Cruz, Bocaue chief of police, kinilala ang napatay sa engkwentro na nagtamo ng ilang tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan na nagresulta ng agarang kamatayan ni Armando Santiago Jr. alyas “Okso”, 51 anyos habang arestado ang kinakakasama nito na si Janeth Alzate, 22, pawang mga residente ng Northville 5 Brgy. Batia sa bayan ng Bocaue.
Ayon naman kay P/Supt. Orlando Castil Jr., Guiguinto chief of police, arestado naman ang tatlong kalalakihan na pawang kabilang BADAC drug watchlist na sina Christopher John Austria, 32 anyos, Ariel Bernardo, 35 at Reynaldo Miñoza, 48, at pawang mga residente ng Brgy. Tuktukan sa Guiguinto.
Dagdag pa ni Castil, ang mga suspek umano ay responsable sa pagbebenta ng iligal na droga sa ilang mga driver ng truck sa nasabing barangay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Bocaue police, bandang alas-12:20 ng hapon ng makipag-ugnayan ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer sa suspek na si alyas Okso at kinakasama nito matapos na makumpirmang patuloy na nagbebenta ang mga ito ng shabu sa kanilang lugar.
Nagkasundo umano ang poseur buyer at ang suspek at habang inaabot ni Okso ang shabu sa naturang buyer ay nakahalata ito na isang pulis ang ka-transaksyon kaya tumakbo ito sa loob ng bahay saka pinaputukan ang mga operatiba ngunit naging maagap ang mga pulis na gumanti rin ng putok na nagresulta ng kamatayan ng suspect habang kusa namang sumuko ang kinakasama nito.
Ilang pirasong plastic sachet na naglalaman ng shabu ang narekober sa mga suspek habang pansamantalang nakadetine sa mga municipal police jail at inihahanda ang kasong violation of Section 5 and Section 11 of Article II of Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous