Anthony Garcia
  • Sex: Male
  • Age: 30
Incident Details
  • Killed in police operation in public
  • Date of Incident: October 23, 2018
  • Time of Incident: 1:00 am
  • Location of Incident: , Caloocan City
Source(s)

Napatay ng mga tauhan ng Northern Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang robbery hold-up suspect na sangkot din sa droga sa madugong engkwentro sa pagitan ng dalawang panig nang tumugon ang mga awtoridad sa paghingi ng saklolo ng isang babae sa Lungsod ng Caloocan kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng hepe ng Northern CIDG na si PSupt. Charlie Cabradilla ng PNPA Class 99 ay kinilala ang suspek na si Anthony Garcia, 30 anyos ng Barangay 12 ng nasabing lungsod na ayon sa pulisya ay nasa drug watch list ng kanilang barangay.

Ganap umanong ala 1:00 pasado ng madaling araw nang harangin at tutukan ng baril ng suspek ang biktimang si Janine Orbita, 35 anyos ng Balut, Tondo, Maynila at magdeklara ng holdap tsaka sapilitang kinuha ang bag ng biktima na naglalaman ng P450 at gintong kuwintas na suot-suot ng biktima habang naglalakad siya pauwi sa kahabaan ng Salmon Street, Barangay 8 ng nasabing lungsod.

Matapos na makuha ang pakay ay agad ding tumakas ang suspek habang mabilis din namang nakahingi ng saklolo sa mga tauhan ng CIDG na noon ay nagsasagawa ng Oplan Pagtugis – Panlalansag malapit sa lugar, hindi naman nag-aksaya ng oras ang mga awtoridad at hinabol na nga ang suspek at nang macorner ay agad namang bumunot ito ng baril saka pinaputukan ang mga pulis na humahabol sa kanya.

Walang tinamaan sa mga kapulisan samantala nagkaroon ng maikling palitan ng putok hanggang sa tuluyan nang matamaan ang suspek sa katawan na agaran nitong ikinasawi.

Narecover naman ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang isang caliber .380 herstal beguque na may magazine na loaded pa ng tatlong live bullets.

Nakunan din ng dalawang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng inaalam pang dami ng shabu ang suspek. Nabawi rin naman ang mga gamit ng biktimang sapilitang kinuha rito.