Allan Doctolero Reconday
  • Sex: Male
  • Occupation: meat vendor
Incident Details
  • Date of Incident: December 10, 2018
  • Time of Incident: 5:30 am
  • City of Incident: Libon
  • Province of Incident: Albay
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

LEGASPI CITY, Albay , Philippines — Bulagta ang isang 44-anyos na magtitinda ng karne na dati nang sumuko sa Oplan Tokhang matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem suspect sa harap ng palengke ng Brgy. Bonbon, Libon, ng lalawigan kahapon ng madaling-araw.

Isinugod pa ng mga ka­anak sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital sa Ligao City pero idineklarang patay si Allan Doctolero Reconday, ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng madaling-araw, kararating pa lang ng biktima sakay ng kanyang tricycle at inihahanda ang kinatay na panindang baboy para dalhin sa kanyang meat stall nang lapitan ng dalawang lalaki na inabangan ang pagdating nito sa palengke at bigla siyang pinagbabaril sa ulo at katawan. Nang masigurong patay na ang biktima, tumakas ang gunmen sa hindi malamang direksyon. Inaalam pa ang motibo sa pamamaslang sa biktima na dati nang sumuko sa mga awtoridad noong 2016 dahil sa pagkakaugnay sa droga. Nakuha sa lugar ang limang basyo ng bala ng kalibre 45.