Ang biktima ay residente ng Brgy. Osias, Kabacan at 3rd year student ng University of Southern Mindanao sa bayan.
Aldrin Tangonan, Jr.
  • Sex: Male
  • Age: 21
  • Marital Status: Single
Incident Details
  • Date of Incident: October 22, 2020
  • City of Incident: Mlang
  • Province of Incident: North Cotabato
  • Killed by unknown assailants
Source(s)

Mlang-Hindi na umabot ng buhay ang isang 21-anyos na binata matapos na ito ay barilin habang kumakain ng isang lalaki, kamakalawa ng gabi sa Magsaysay ­Avenue, Barangay Poblacion sa nasabing bayan.

Ang nasawi ay kinilalang si Aldrin Mendigoria Tangonan Jr., 3rd Education student, na residente ng Barangay Osias, Kabacan, Cotabato.

Sa report, alas-8:00 ng gabi habang kumakain ang biktima kasama ang isang kaibigan nang lapitan ng suspek na kinilalang si Jerson Dulana Papna, 42, obrero at residente ng Bialong, Mlang at agad na sinuntok ang biktima na bumulagta sa sahig at pagkatapos ay binaril sa noo.