Ronald Alcaraz

Age
34
Sex
Male
Occupation
former call center agent
Date
September 16, 2018
Place
Manila (in an unknown location)
How they died
Killed by unknown assailants

Isang dating call center agent ang natagpuang walang buhay sa bahagi ng Pier Dos, Parola Compound sa Maynila.
Tadtad ng tama ng saksak sa katawan ang biktimang si Ronald Alcaraz, 34 anyos.
Huling nakitang buhay si Alcaraz nang may magyaya umano dito na makipag-inuman.
Aminado naman ang ina ng biktima na dating gumagamit ng ilegal na droga si Alcaraz pero nagbagong-buhay na umano ito.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng Manila Police sa insidente.