Ricky Jinon

Age
44
Sex
Male
Occupation
Tricycle Driver
Date
May 24, 2020
Place
Iloilo City, Iloilo
How they died
Killed in a police operation

Kamatayan ang sinapit ng isang 44-anyos na tricycle driver sa Jaro, Iloilo City matapos itong barilin ng mga salaring lulan ng motorisklo.
Kinilala ang nasawing si Ricky Jinon.
Nakuhanan sa CCTV ang naganap na insidente kung saan makikitang sinundan siya ng dalawang nakasakay sa motorsiklo habang nakasakay naman sa tricyle ang biktima.
Sapul din sa CCTV ang paglabas ng mga suspek ilang minuto matapos barilin ang biktima sa isang liblib na bahagi ng lugar.
Nagawa pang itakbo si Jinon sa ospital ngunit idineklara rin siyang dead on arrival matapos magtamo ng maraming tama ng bala sa tiyan at dibdib.