Michael Banaag

Sex
Male
Occupation
Police
Date
June 9, 2020, 19:00:00
Place
Paranaque City, Metro Manila (in public)
How they died
Killed by unknown assailants

Patay sa pamamaril ang isang pulis sa Parañaque City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Pauwi na sakay ng kaniyang motorsiklo ang biktimang si Police Corporal Michael Banaag nang habulin at pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang salarin.

 

Naka-assign si Banaag sa Regional Public Safety Battalion ng National Capital Region Police Office.

Inaalam na ng mga imbestigador ang motibo sa pagpatay. Sinusuri na rin nila ang mga kuha ng CCTV sa lugar.