“Jr.”

Also known as
Jr
Sex
Male
Date
May 2, 2021
Place
Pulilan, Bulacan (in public)
How they died
Killed in a police operation
Patay ang isang hinihinalang tulak ng iligal na droga habang nakatakas ang kasamahan nito sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Pulilan ng lalawigang ito kahapon. Kinilala ni Bulacan Police director P/Col. Lawrence Cajipe ang napatay na may alyas lamang na Jr.
Sa report, ikinasa ang operasyon nang pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence Unit at Pulilan police sa Brgy. Sto. Cristo.
Sinasabing nakatakas sa operasyon ang kasamahan lulan ng Rusi motorcycle.
Narekober sa operasyon ang revolver, mga basyo, 29 sachet na pinaghihinalaang shabu na tumimbang ng tatlong gramo at may estimated street value na P20,400 at P1,000 marked money.