Bulagta sa kalsada ang isang notoryus na tulak ng droga habang nakatakas ang dalawa pa nitong kasama matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa ginawang buy-bust operation sa Purok-6, Brgy. Magang ng bayang ito kahapon ng madaling araw.
Napuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad nasawi ang suspek na si Dario Adan Oquialda, 35-anyos, residente ng Purok-1, Brgy. 1.
