Cris Joe Cobarrubias Eleazar

Sex
Male
Occupation
member of a drug group
Date
September 15, 2018
Place
Matanao, Davao del Sur (in an unknown location)
How they died
Killed in a police operation

DAVAO DEL SUR — Patay ang 2 hinihinalang tulak sa buy-bust operation sa Barangay Sinawilan, Matanao, Davao del Sur Sabado ng gabi.
Kinilala ang mga suspek na sina Cris Joe Cabarrubias Eleazar at Jan Ray Cumahig.
Narekober mula sa kanila ang P18,000 halaga ng shabu at marijuana, isang kalibre .45 na baril, at isang kalibre .38 na baril.
Ayon sa mga awtoridad, nanlaban umano ang mga suspek nang mahalata nilang pulis ang kanilang katransaksiyon.
Hindi na umabot ng buhay ang mga suspek nang dalhin sa ospital.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, miyembro umano ng isang drug group ang mga suspek at kabilang din sa narco list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).