Patay ang isang 70-taong gulang na lalaki matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa kaniyang tindahan sa Bagong Silang, Caloocan City noong Martes, ayon sa pulisya.
Kinilala ng mga awtoridad ang biktima bilang si Alfredo Orpeza, na isa ring reservist ng Armed Forces of the Philippines.
Biglang huminto ang riding-in-tandem sa harap ng tindahan ni Orpeza saka siya pinaputukan ng gunman, base sa imbestigasyon.
